March 15 - May 10

JFC has donated

220 Million

worth of food assistance amounting to:
Generic placeholder image

3.8 MILLION Meals

 

Generic placeholder image
Generic placeholder image

480,000+

Meals for
Hospitals &
Health Workers
Generic placeholder image
Generic placeholder image

2.5M+

Meals for
Families in Need
Generic placeholder image
Generic placeholder image

830,000+

Meals for
Checkpoint
Personnel

Stories of Hope


SOS Children’s Villages Philippines: Sharing Joy


SOS Children's Villages Philippines operates eight villages consisting of houses for abandoned and orphaned children. Each house is set up like a family, with six to eight children enjoying the love, care and guidance of a nanay. Like typical households, SOS houses have also been greatly affected by the pandemic. Donors...

Read all the stories

Donate to help provide more meals
for COVID-19 affected families and frontliners

FAQs



Jollibee Group Foundation (JGF) is the social responsibility arm of the Jollibee Group, which implements programs on agriculture, education, and disaster response with partner communities nationwide. For more information, check out the 2019 JGF Accomplishment Report (https://annualreport.jollibeefoundation.org/).

Ang Jollibee Group Foundation (JGF) ay ang social responsibility arm ng Jollibee Group. Mayroon itong mga programa patungkol sa agrikultura, edukasyon, at disaster response kaagapay ng mga partner communities nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari po ninyong tingnan ang 2019 JGF Accomplishment Report (https://annualreport.jollibeefoundation.org/).


Since 2013, the Jollibee Group has responded to calls for disaster response through Jollibee Group FoodAID, a program that recognizes the importance of preparedness, quick response, and sustained efforts towards recovery in times of crisis.

Mula 2013, tumutugon na ang Jollibee Group sa mga panawagan kaugnay ng disaster response sa pamamagitan ng Jollibee Group FoodAID. Isa itong programa na kumikilala sa kahalagahan ng preparedness, quick response, at sustained efforts para sa muling pagbangon sa mga panahon ng kalamidad.

JGF launched the Jollibee Group FoodAID - COVID-19 Response on March 15, 2020. As of September, Jollibee Group has raised and donated a total of Php 286 million worth of food products, equivalent to 4.7 million meals. 70% of these were provided to communities, and the rest were for frontliners. This amount includes donations from business partners and the general public, in form of cash and non-food items such as PPEs. 

JGF coordinates with various public and private institutions to distribute the donations.

Inilunsad ng JGF ang Jollibee Group FoodAID - COVID-19 Response noong March 15, 2020. Noong Setyembre, nakapag-donate at nakalikom na ang Jollibee Group ng Php 286 million na may katumbas na 4.7 million meals. 70% dito ay ipinamahagi sa mga komunidad, at ang iba ay para sa mga frontliner. Kasama rin sa halagang ito ang mga donasyon mula sa aming business partners at sa publiko. Kabilang sa mga donasyon ay pera at iba pang pangangailangan tulad ng PPE.

Isinasagawa ng JGF ang pagpapamahagi ng donasyon sa tulong ng iba’t ibang pampubliko at pribadong institusyon.

On top of our internal distribution system and vast store network, we have partner institutional kitchens and a broad range of partner NGOs that help us safely prepare and distribute meals directly to the frontliners and families that need them most.

Bukod sa aming internal distribution system at malawak na network ng restaurants, mayroon din kaming mga katuwang na institutional kitchens at partner NGOs na tumutulong sa amin na ligtas na maihanda at maibahagi ang mga pagkain patungo sa mga frontliners at pamilyang lubos na nangangailangan nito.

We have partnered with more than 76 NGOs all over the country to allow us to safely bring the food packs directly to the frontliners and families who need it most.

Nakikipagtulungan kami sa higit 76 NGOs sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makapag-abot ng tulong sa mga frontliners at pamilyang lubos na naapektuhan.

For partnership inquiries, you may email us at [email protected]

Para sa mga partnership inquiries, maaaring magpadala ng email sa [email protected]


The Digital Coin Bank is part of the Jollibee Group FoodAID Program, which provides meals for frontliners and affected families during this crisis.

Coin Banks are regularly found in the branches of Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Burger King, Red Ribbon, Panda Express, PHO24, and Highlands Coffee. We are now bringing these coin banks online via www.jollibeefoundation.org to make it easy and convenient for the public to donate to the cause from anywhere in the country and the world.

Ang Digital Coin Bank ay bahagi ng Jollibee Group FoodAID Program, na naglalayong makapagbigay ng pagkain sa mga frontliner at apektadong pamilya sa panahon ngayon.

Ang mga Coin Bank ay karaniwang makikita sa mga restaurant ng Jollibee Group tulad ng Jollibee, Chowking, Mang Inasal, Greenwich, Burger King, Red Ribbon, Panda Express, PHO24, at Highlands Coffee. Ngayon ay online na rin ang Coin Bank na maa-access sa  www.jollibeefoundation.org para maging mas madali para sa publiko ang pagdo-donate nasaan man sila.

The funds raised through this effort will be used to provide meals to frontliners and families who have been affected by the COVID-19 pandemic.

Ang pondong malilikom mula rito ay gagamitin upang makapagbigay ng pagkain sa mga frontliner at pamilyang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

JGF began placing Coin Banks in Jollibee Group branches in 2009 primarily to provide an opportunity for the public to help serve meals to undernourished pupils so they can stay in school and learn better through its Busog, Lusog, Talino (BLT) School Feeding Program.

In times of large-scale disasters, Coin Bank donations are used to provide assistance to affected communities.

As part of JGF’s continuing response to the COVID-19 pandemic, the digital Coin Bank allows us to reach even more and do more by accepting donations from individual donors and organizations who would like to join us in this very same cause.

Since the start, JGF’s Coin Bank has the appropriate permit from DSWD to conduct public fundraising.

Sinimulan ng JGF ang paglalagay ng mga coin bank sa mga branches sa ilalim ng Jollibee Group upang makapagbigay ng oportunidad sa publiko na makatulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga undernourished pupils. Bahagi ito ng Busog, Lusog, Talino (BLT) School Feeding Program na naglalayong mapanatili ang mga estudyanteng ito sa paaralan at matulungan silang makapagpokus sa pag-aaral.

Sa mga panahon ng malawakang sakuna, ginagamit ang mga donasyon mula sa mga Coin Bank upang makapag-abot ng tulong sa mga apektadong komunidad.

Bilang bahagi ng tuluy-tuloy na pagtugon ng JGF sa COVID-19 pandemic, ang digital Coin Bank ay makatutulong upang mas marami pa ang maabot sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga indibidwal at organisasyon na nais ding makatulong.

Mula pa sa simula, may nararapat na permit ang JGF mula sa DSWD kaugnay ng pangangalap ng donasyon sa pamamagitan ng mga Coin Bank.

Over the years, Jollibee Group Foundation has been providing its customers with the opportunity to take part in the advocacies that the Foundation pursues. Customers have supported the Busog, Lusog, Talino (BLT) School Feeding Program by donating through the Coin Banks in the restaurants of the Jollibee Group, which are added to the funds of the Foundation and its partners. For Jollibee Group, this signifies that our customers are concerned with the issues we address as well.

In response to the COVID-19 pandemic, the Jollibee Group has donated Php220 million worth of meals for frontliners and families in need. From March to May 2020, we have already provided 3.8 million meals to health workers, checkpoint personnel, and affected families in different regions nationwide.

On top of this Php220 million-donation, we have launched the Digital Coin Bank so we can provide meals to more frontliners and families in need, and this time, the public can actively take part in the initiative by donating any amount to the Coin Bank.

Sa mga nakaraang taon, patuloy na binibigyan ng Jollibee Group Foundation ang mga customer ng Jollibee Group ng pagkakataon na makibahagi sa mga programa nito. Sinuportahan ng mga customer ng Jollibee Group ang Busog, Lusog, Talino (BLT) School Feeding Program sa pamamagitan ng kanilang mga donasyon na naidagdag sa pondo ng Foundation at ng mga partner nito. Para sa Jollibee Group, nagpapahiwatig ito na maging ang mga customer ay concerned sa mga isyu na aming tinutugiunan.

Bilang tugon sa COVID-19 pandemic, nakapagbigay na ang Jolllibee Group ng halagang Php220 milyon na pagkain para sa mga fronliners at pamilyang nangangailangan. Mula Marso hanggang May 2020, nakapagpaabot na kami ng 3.8 milyong meals sa mga health worker, checkpoint personnel, at apektadong pamilya sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Maliban pa sa Php220 milyon na donasyong ito, inilunsad namin ang Digital Coin Bank upang makapagbigay ng pagkain sa mas marami pang frontliners at pamilyang nangangailangan, at ngayon, maaari nang aktibong makatulong ang publiko sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagdo-donate ng anumang halaga sa Coin Bank.

You may donate through online bank transfer to the accounts of JGF: Metrobank (473-7-473-01406-4; Swift Code: MBTCPHMM) and RCBC (1253-10519-0), or via PayMaya through http://pymy.co/Jollibee.

Maaari po kayong magdonate sa pamamagitan ng online bank transfer sa accounts ng Jollibee Group Foundation: Metrobank (473-7-473-01406-4; Swift Code: MBTCPHMM) at RCBC (1253-10519-0), o gamit ang PayMaya (http://pymy.co/jollibee).

Yes. Most online bank facilities have the ability to transfer money to another bank through InstaPay or PesoNet features of the app. You may check with your bank for more details.

You may also donate through PayMaya. Just visit https://donate.paymaya.com/products/jollibee-group-foundation.

Pwede pa rin po. Karamihan sa mga bank facilities ay may kakayahang magtransfer sa ibang banko gamit ang InstaPay o PesoNet features ng kani-kanilang mga app. Maaari po kayong sumangguni sa inyong banko para sa iba pang detalye.

Maaari rin po kayong mag-donate gamit at PayMaya. Bisitahin lamang ang https://donate.paymaya.com/products/jollibee-group-foundation.


If you are overseas, you may donate through online bank transfer to the JGF Metrobank account (473-7-473-01406-4; Swift Code: MBTCPHMM) or via PayMaya through http://pymy.co/Jollibee.

Kung ikaw ay nasa ibang bansa, maaari po kayong mag-donate sa pamamagitan ng online bank transfer sa JGF Metrobank Account (473-7-473-01406-4; Swift Code: MBTCPHMM) o kaya ay sa pamamagitan ng PayMaya (http://pymy.co/jollibee).


Every peso counts in our drive to provide meals to more families in need. Please feel free to donate any amount to the digital Coin Bank.

Anumang halaga na malilikom ay makatutulong upang makapagbigay ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan. Maaari kayong mag-donate ng kahit anong halaga sa digital Coin Bank.

Thank you very much for your donation! You may email us at [email protected] with a screenshot of your deposit slip so we can acknowledge your donation.

Maraming salamat sa inyong donasyon! Maaari po kayong magpadala ng screenshot ng inyong deposit slip sa [email protected] upang maka-acknowledge namin ang inyong kontribusyon.

You may visit www.jollibeefoundation.org or the Jollibee Group Foundation Facebook page to see the amount of money raised, as well as the project’s beneficiaries.

Maaari po kayong bumisita sa www.jollibeefoundation.org o sa Facebook page ng Jollibee Group Foundation upang makita ang mga halagang nalikom, maging ang mga nakatanggap ng donasyon mula sa proyektong ito.